Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Ang dapat sa malagong damo, tinatabas.

Blog EntryJul 14, '08 1:15 AM
for everyone

Usapang Dyipni

 

Mga Karakter

Grems

Bogart

Evil

HBK

 

Hunyo 28 nang taong ito, Sabado, ang takdang panahon ng pagdalaw sa bahay ng nanay ni Grems sa Angeles City, Pampanga

 

Apat na gala ang nagpasyang magkita-kita sa isang kapihan sa Gateway bandang alas-nuwebe nang umaga. Pagkatapos mag-almusal ng jamon na roast chicken, kumukulong kape at tsaa, tumungo na ang grupo sa sakayan ng bus sa Cubao.

 

Matapos ang kulang-kulang dalawang oras, naamoy na namin ang simoy ng hangin ng Pampanga. Bumaba kami sa kalyeng tinatawag na intersection sa San Fernando. Mula dito, napagplanuhan naming dumiretso sa Guagua para masilayan ang sinasabing alindog ng Betis Church. (Sige na, si HBK na ang may pakana nito.)

 

 

Unang Araw

 

Unang Dyip

 

Plakard

Palengke

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula sa Intersection hanggang Palengke (Tatawagin natin itong Palengke 2, sapagkat ito iyong palengkeng hindi alam ni Grems. Pero siyempre noong una akala niya ito 'yung alam niya, kaya medyo parang naligaw yata kami na hindi na lang niya masyadong pinahalata. Tsk!)

 

Grems: "HBK, eto oh, simbahan!" [Sabay ngiti na parang Authentic Gremlin]

HBK: "Aha" [Itsurang nalugi.]

HBK: "Magtanong na tayo!"

 

 

Pangalawang Dyip

 

Plakard

Betis, Guagua

Presyo ng Pamasahe

P16

Paglalarawan

Mula sa Palengke 2 hanggang Betis Church

Sa wakas, natuntun din namin ang dapat tuntunin. Walang nagmimisa, walang taong nagsisimba. Pero swerteng bukas naman ang simbahan. Ginagayakan ito ng isang grupo ng mga kalalakihan para sa kasalan na idaraos kinagabihan. Kahit madilim sa loob, sapat na rin naman ang sikat ng araw na manaka-nakang sumisilip sa mga puwang ng bintana para kami ay mahalina sa makukulay na imaheng nakapinta sa mga kisame ng malaking dambanang iyon. Hindi na rin kami masyadong nagtagal upang huwag nang makaabala pa sa mga manong na abalang-abala sa paghahanapbuhay.    

 

Dagdag: Hindi naman sa nababaduyan si HBK sa pagiging relihiyosa/o kaya’t ipinagpipilitan niya na hindi naman tayo dadalaw sa Betis Church bilang mga debotong Katoliko, kundi bilang mga panatiko ng sining at kultura. Nahihiya lamang siya sa mga papuri’t panukala na siya ay tunay na Kristiyano kaya’t simbahan ang kanyang unang hinahanap sa pagdalaw sa mga probinsiya. Nakakatawa. Dahil wala naman talagang katotohanan ang pahayag na ito na karaniwang binibitawan ng mga nakatatandang umuusyoso. Mabait si HBK oo, pero matagal na siyang hindi nakakapasok sa tahanan ng Diyos hindi dahil sa tinalikdan na niya ang matandang paniniwala na ipinasa pa sa kanya ng magulang niya na ipinasa rin ng magulang ng magulang niya sa magulang niya, dadadadada. Marahil ito ay dulot ng pagkatuto sa kasaysayan kung hindi man sa pilosopiya na karaniwan nang dumedemonyo sa mga kabataang mapapalad ngunit marurupok. O marahil, dahil sa pagmamahal sa kalayaan.

 

Kaya’t tandaan, hindi tayo dumalaw sa Betis Church bilang mga debotong Kristiyano, kundi bilang mga panatiko ng sining at kultura.

 

Pangatlong Dyip

 

Plakard

Intersection

Presyo ng Pamasahe

P16

Paglalarawan

Mula sa Betis Church hanggang Intersection

 

At kami ay nagbalik sa bahagi ng San Fernando kung saan kami ibinaba

ng bus kani-kanina lang.

 

 

Pang-apat na Dyip

 

Plakard

Angeles

Presyo ng Pamasahe

P18

Paglalarawan

Mula sa Intersection hanggang Palengke 1

(Ang palengke 1 ay 'yung palengke na pinagrereynahan ni Grems,

kaya hinding-hindi siya maliligaw dito kahit nakapikit

o may piring o lango o bangag o wangak.)

 

 

Panlimang Dyip

 

Plakard

Ah, wala eh, basta kulay orens siya at alam na ‘yun ng mga taga-Angeles.

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula Palengke hanggang kalye nina Grems na nabasa ko sa nakasulat

sa mga pader na Taguete Avenue

Kain. Kwentuhan. Ligo. Pahingang konti.

Pag patak ng alas-sais, naghanda na ang apat sa pagpunta sa palengke upang

bumili ng sisig, alkohol, chichiria, at iba pang mahahalagang pangangailangan.

 

 

Pang-anim na Dyip

 

Plakard

‘Yung kulay orens ulit.

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula kalye nina Grems hanggang Palengke 1

 

Pampitong Dyip

 

Plakard

Orens

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula Palengke 1 hanggang kalye nina Grems

Pangalawang Araw

Alas-tres na nang umaga nang matapos ang inuman namin kagabi.

Si Bogart talaga ang naatasang magtagay.

Pero dahil mukhang nai-istres na siya, humalili na ang kaibigang si

HBK. Isang tagay para kay Bogart, isang tagay para kay Evil,

isang tagay para sa sarili, isang tagay para kay Grems, isang tagay para

kay Tita M (Nanay ni Grems). Nahihiya man si HBK sa kaisipang

baka malasing niya si Tita M sa kaka-tagay para dito,

naging maayos pa rin naman ang takbo ng tagayan.

Nakakabusog din naman ang mga kwentuhang makabuluhan.

Nang maubos ang toma, sinimulan na kaming hulaan

ni Tita M isa-isa. Una si Evil, sumunod si Bogart, at si HBK naman ang panghuli.

Alas-kwatro na nang kami ay mahiga sa kama.

Habang sinusubukang himay-himayin ang mga salitang maaaring

may kinalaman sa aming kinabukasan, depende sa kung paano mo

gustong tanggapin at paniwalaan, kami rin naman ay nahimbing. 

 

Tanghali na nang kami ay nagising.

Kain. Kwentuhan. Pahangin sa labas. Ligo. Sibat.

 

Pangwalong Dyip

 

Plakard

Orens

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula kalye nina Grems hanggang Palengke 1

Matapos mag-withdraw ng gold bars at bumili ng gamot,

nagtungo na kami sa Camalig para tumikim ng Armando's Pizza.

 

Dagdag: Rekomendado ang Camalig bilang isa sa mga restawran na

masayang puntahan. Astig, may lumang poster pa ni FPJ at old school na makina!

 

 

Pangsiyam na Dyip

 

Plakard

C. Point

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula sa tapat ng simbahang katabi ng Holy Angel Academy na katapat ng museong

walking distance lang mula sa Palengke 1 hanggang sa SM Clark.

 

 

Pangsampung Dyip

 

Plakard

M. Gate

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Sa Fields Avenue

 

Panlabing-isang Dyip

 

Plakard

M. Gate

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula sa kabilang dulo ng Fields Avenue hanggang sa kung saan kami nanggaling.

 

Panlabindalawang Dyip

 

Plakard

C. Point

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula SM Clark hanggang Palengke 1

Bumili ng Taba ng Talangka at Paning’s Butong-pakwan sandali.

 

Panlabintatlong Dyip

 

Plakard

Orens

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula Palengke 1 hanggang Kalye nina Grems

Empake. Kain. Paalam.

 

Panlabing-apat na Dyip

 

Plakard

Orens

Presyo ng Pamasahe

P8

Paglalarawan

Mula kalye nina Grems hanggang Palengke 1

 

Panlabinlimang Dyip

 

Plakard

Villa P.

Presyo ng Pamasahe

P18

Paglalarawan

Mula Palengke 1 hanggang Intersection

 

At doon na ang sakayan ng bus pabalik ng Maynila.

 

Mga Usi: “O ano’ng ginawa niyo sa Pampanga?”

HBK: “Ah, sumakay ng dyip.”

 

Dyok Pis!

 

Katulad ng inaasahan, naging makabuluhan din ang paglalakbay na ito

tulad ng mga nauna.

 

Payong Pangkaibigan: Magdala ng kotse kung pupunta ng Pampanga.

Pero iyon ay kung pa-sowsyal ka at mahina ang iyong resistensya.

 

At siyempre, wala pa ring tatalo sa pagsakay sa dyip at sa sineng libre

mong masasaksihan sa pagsakay sa dyip.

 

Ayos!

 

 

4 Comments
zanyzac wrote on Jul 14, '08
Hahaha! Natutuwa ako na tuluyan nang niyakap ni HBK ang katotohanang, isa siyang HBK.

Saan ba ako makakahanap ng mga kasamang ganito?
Comment deleted at the request of the author.
alimukawan wrote on Jul 17, '08
zanyzac said
Hahaha! Natutuwa ako na tuluyan nang niyakap ni HBK ang katotohanang, isa siyang HBK.
para patas ang laban
alimukawan wrote on Jul 17, '08
zanyzac said
Saan ba ako makakahanap ng mga kasamang ganito?
sa puso mo, cza
Add a Comment